hay ROTC ^_^ nakakamiss ka na. actually, dapat di ko kukunin ang ROTC kasi alam ko kung ano ang mga pinaggagagawa doon, since naging officer ako ng CAT namin noong high school. pero buti nalang, may nagdrive parin sa akin na kunin ang ROTC kasi maraming tinuro dito na wala sa CWTS.pero medyo nagsisisi ako at di ko sineryoso ang ROTC. siguro kasi parang na-dishearten ako sa nangyari sa CAT namin. seryosong officer ako noon, lahat ng rules talagang sinusunod ko, kasi masaya ako with my mates at yung mga training staff namin. okay sana lahat, napaayos namin yung mga h.s. students ng school namin kasi strict kami sa pag-iimplement ng rules. talagang nirespeto kami ng mga students, pati na rin mga yung mga teachers. kaya pag sinabi noon yung COQC, alam na kami yung mga model students ng batch namin.kaso, bigla nalang nagkagulo yung CAT org namin, kasi nagkaron ng away yung commandant namin tsaka yung vice-principal ng school. ginawa na namin ang lahat para maayos yung away nila pero talagang ayaw makinig sa amin ng school organization. kahit ang dami na naming ginawa para sa school, parang wala man lang silang utang na loob sa amin. kaya yung commandant namin, nagdecide na magresign nalang. siyempre, talagang nadepress kami nun. parang tinuring na rin namin siya as our "2nd father" sa school dahil sa mga bonding experiences namin. talagang thankful kami sa kanya (lalo na ako ^_^ di ko makakalimutan yung heart-warming thing na ginawa niya noong nag-makiling kami) kasi siya yung nakapag-bond sa group namin. kaya sa huli, nagdecide din kami na magresign sa mga posts namin.kinausap kami ng school admin tungkol sa resignation namin at sabi nila di daw nila matatanggap yun. kailangan daw kami ng school. oo, alam namin yun, kasi kami lang yung nakapagpatino sa mga estudyante nila, pero sabi namin, aalis kami kung aalis yung commandant namin, magsorry nalang yung vice-principal sa amin at tatanggapin namin yun. pero walang nangyari. umabot pa sa school president yung gulo, pero wala rin siyang nagawa. so in the end, nagresign na talaga kami...dapat nga sasali ako sa MOCC ng ROTC batch namin kasi meron talaga akong hilig sa mga military stuffs, at siguro dahil na rin sa experience ko noon. pero sabi ko nalang, tama na yung high school experience ko. masaya na ako dun. at masaya na ako at nakapag-ROTC ako kasi kahit papano, nababalikan ko yung CAT memories ko pati na rin yung mga mates ko :'Dmood: thinking of my mates (fyi, 12 Female officers kami noon :P)listening to: Love So Sweet :D
name; "ehveehtuh"
age; 18
location; cavite/manila, philippines
school; de la salle university - manila
loves; the numbers 5,7, and 4 ^_^, surfing the net, watching tv, playing ol/pc games, and sleeping all day long...
hates; LRT, long "elevator" lines, lag PCs, users, backstabbers & boring profs...:P