uu nga pala, di ko nga pala naikwento dito yung nangyari sa "secret" birthday partee ni "jhu-wi" (as popularized by BRENDA-LICIOUS...~_^ oo nga pala, last tuesday to nangyari...06.06.06...."the omen" :P)...well, after nung last class namin (well technically, last class "ko" which is KASPIL1 and last class "nila" (friends ko) which is supposedly my last class din...ah basta! mahabang kwento...ANYWAY!), nagpunta na kami (ako, pare, koko at si bee-day boi) sa may area ng yellow cab...pero naghiwahiwalay na muna kami sa may north gate kasi si pare pupunta pa nun sa gil puyat para kunin yung vcd's na inorder niya, tapos ako naman nagpunta sa u.m. para sunduin ang "kontrobersyal" na babae sa balat ng Earth, si fran :P at yung dalawa naman (koko at jhu-wi) ay nauna na sa yellow cab para magreserve ng seats...so anyway, ayun nga nagpunta ako sa u.m....pagdating ko dun kala ko naghihintay na sa may labasan si fran, yun pala hindi...so tinawagan ko siya para malaman kung saang sulok ng Earth siya andun, pero nung inikot ko yung paningin ko...langhiya! nasa loob pala siya ng isang net cafe dun at nanonood ng tsubasa chronicles!! hahah...e di nung nakita ko siya, pinuntahan ko siya tapos konting kwentuhan, then sabi ko "tara na, baka wala na tayo maabutan dun..." nung umpisa pa nga, ayaw umalis dun sa harap ng pc, pero dahil sa love ako ni fran (haha!!! ^_^) pumayag na rin siya na tapusin yung pinanonood niya...
